Tangkang pagbuwag sa nagsisilbing unyon sa MMDA

Hinarang ng nagpoprotestang mga empleyado ng MMDA ang EDSA. (Gregorio Dantes Jr.)

Hinarang ng nagpoprotestang mga empleyado ng MMDA ang EDSA. (Gregorio Dantes Jr.)

“Sadyang hindi makatao ang kanilang ginagawa sa amin.”

Ganito ilarawan ng Kagalingan ng mga Kawani sa Kalakhang Maynila (KKK-MMDA), unyon ng mga kawani sa Metropolitan Manila Development Authority, ang nagiging tugon ng manedsment sa paggiit ng kanilang mga benepisyo na nakasaad sa kanilang Collection Negotiation Agreement (CNA) ng 2011.

Ayon sa KKK-MMDA, lehitimo ang kanilang paghiling ng benepisyo na ilalim ng CNA 2011 na pinirmahan nila at ng manedsment. Pero sinabi ng huli na wala raw makukuha ang mga kawani. Nagsagawa ng serye ng mga protesta ang mga kawani na nauwi sa pagpapataw sa kanila ng kabuang 120 araw na preventive suspensionat pagputol sa suplay ng kuryente sa opisina ng unyon.

Paglaban, pandarahas

Dahil sa pagmamatigas at di pagharap sa kanila ni Chairman Tolentino, nagprotesta ang mga kawani ng MMDA upang igiit ang anila’y kanilang lehitimo at legal na karapatan sa ilalim ng nasabing CNA.

“Pinagtataka namin ngayon na pina-i-identify kung saan galing itong P211-M o kung saan natipid. Doon kasi ibabase kung may natirang savings, at doon kukunin ang cash incentive para makabawi ang bawat kawani sa mga panggastos nito. Inaasahan sanang makakuha ng P25,000 kada isa,” ayon kay Teresa Gonzales, pangkalahatang-kalihim ng KKK-MMDA.

Nobyembre 15 ng taong ito, nalaman ng unyon na may ni-realign umano na P220-M na savings ng personal services doon sa additional maintenance and operating requirements. Ang ibig sabihin, may savings (ang ahensiya), ayon kay Gonzales.

“Pagkatapos ng rally (Nob. 26, 2012), hinaras ako ni Gen. (Maximo) Dilla at Figoroa Rodolfo. Nagsampa na ako ng kaso laban sa kanila sa Commission on Human Rights at Ombudsman na slight physical injuries, at nasa abogado na ang medico-legal. Kinaladkad ako sa flag ceremony, habang mapayapang nag-hanging placards kami at sinugod ng 200 batalyon ng job orders. Ayon kay Gen. Dilla, utos ni GM Corazon Jimenez na saktan kami,” salaysay ni Gonzales sa panayam ng Pinoy Weekly.

“Humingi kami ng tulong sa aming GM pero tinignan lamang kami habang kinakaladkad ni Figuroa Rodolfo. Malinaw itong harassment sa akin bilang babae,” dagdag niya.

Disyembre 3, nang magsagawa ng kilos-protesta ang mga kawani ng MMDA upang igiit ang nasabing benepisyo. Nang araw ding iyon, nagbaba ang manedsment ng 30 days preventive suspension laban sa 10 kawani nang walang kaukulang proseso ng paglilitis bilang kawani at permanenteng na empleyado, ayon sa KKK-MMDA.

“Disyembre 10 nang tinanggalan kami ng kuryente, pinutol ang aming air-conpara hindi gumana. Abuso ito sa kapangyarihan ni Chairman Tolentino. Pagpapakita ito ng union busting,” ayon kay Gonzales.

Disyembre 11, nagbaba ang administrasyon ng MMDA ng pormal na charge sa 41 miyembro ng unyon na suspension ng 90 na araw sa mga nakiisa sa pagkilos ng mga manggagawa ng MMDA noon pang Hulyo 4.

Ayon sa administrasyon ng MMDA, kapag suspended ay walang sasahurin at angbenefits ay naka-hold, pahayag ni Jaime Eniquez, presidente ng KKK-MMDA.

“Para sa amin, panggigipit ito. Ito ‘yung pagpapakita na ang kabuhayan nami’y pinapatay ni Chairman Tolentino.  At ‘yung hindi pagbibigay ng benepisyo na ipinaglalaban lamang namin dahil mayroong legal na basehan na pinirmahan n’ya yung kontrata. May pondo, may budget circular ng DBM. Hindi namin alam kung bakit ganito ang ginagawa ng aming chairman sa amin,” ayon kay Gonzales.

Naniniwala rin si Enriquez na ilegal ang suspensiyon sa kanila na may kabuang 120 na araw at magsasampa sila ng kaso sa civil service kapag hindi sila pinasahod.

“Dinaan na namin sa tamang proseso, dinaan na namin sa pakikipag-usap sa mga direktor at sa finance at nakakuha kami ng dokumento na talagang may savingsna P211-M at sa national na P94-M. Pero giit ni Tolentino, wala raw talagangsavings. Pero ang pinagtataka namin, kung walang savings ay bakit makakapagbigay siya ng P7,000 sa mga job orders samantalang sa mga permanent manggagaling sa DBM na P5,000 sa taong ito,” ayon kay Enriquez.

“Pinagplanuhan ako ni Gen. Manalo at Gen. Dilla, at Figuroa, na dukutin at narinig ‘yan ng mga empleyado ng metro aides na miyembro. Pero ang sinasabi ko nga, bahagi na ‘yan ng pagiging leader ko,” pahayag ni Gonzales.

Dahil panig sa manggagawa ginigipit?

Ayon sa KKK-MMDA, tinanggalan sila ng hazard pay ng Commission on Audit dahil ilegal daw ang pagbibigay ng incentive dahil wala raw sa mandato ng batas sa ilalim ng Republic Act 7924 ang na ibigay ang insentibo mula sa kinikita ng ahensiya.

“Ilegal pala ang pagbibigay ng insentibo pero hindi ilegal ang pagta-time depositng kaban ng bayan. ‘Pag pera ng bayan, hindi mo puwede i-time deposit. Dahil nag-a-appropriate tayo ng badyet para sa buong taon na kailangan nating gastusin na inilalagay sa proposed budget para badyetan ng Kongreso at Senado,” sabi ni Gonzales.

Sinabi pa niya na kung may natira ang natipid na pondo at walang ibibigay sa kawani, isinosoli lang ito sa National Treasury at hindi na kailangang i-time deposit.

“Ngayon lamang nakalkal ng unyon ang Financial Report (noong) 2011 ng MMDA. Malinaw na nae-expose natin ang ganitong kalakaran kaya nakakaranas ng panghaharas ang unyon,” ani Gonzales.

Dagdag pa ng KKK-MMDA, galit ang administrasyon sa unyon dahil sa ang maka-manggagawang mga adbokasiya ng huli. Kasama sa ipinaglalaban ng unyon ang panawagang pagbibigay ng P7,000 sa job orders o kontraktuwal na mga empleyado na sa kasalukuya’y umaabot sa 2,000 kawanin na unyon ang naggiit.

“Ang ibang mga kontraktuwal dito, umaabot na nang 10 sampung taon. Isinusulong namin ang pagbibigay ng 1,200 permanenteng posisyon  na bakante sa kasalukuyan mula sa 2,000 bilang ng job orders o kontraktuwal,” dagdag ni Gonzales.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=22185

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: