Video: Karahasan sa kababaihan, bahagi ng Oplan Bayanihan

Bahagi ng giyera kontra insurhensiya ng administrasyong Aquino ang violence against women and children (VAWC).

Ito ang suri ng alyansang pangkababaihan na  Gabriela, matapos makatanggap ng maraming kaso ng VAWC na sangkot ang mga armadong ahente ng estado, kabilang ang mga militar, paramilitar at pulis, sa iba’it ibang bahagi ng bansa.

Ilan sa mga tampok na kaso na inilahad ng grupo ang kaso ni Mutya, isang 16-anyos na babae na di umano’y ginahasa ng mga elemento ng 16th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Baras, Rizal.

Sa Lobo, Batangas, isang 13-anyos na babae na itinago sa pangalang Elaine ang ginahasa ng isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) at nabuntis.

Sa Catanauan, Quezon, isang 15-taong-gulang na babae ang hinahanap ng Gabriela sa Southern Tagalog matapos pinaniniwalang ipasok sa isang kampo ng militar sa lugar.

Ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, pinabubulaanan ng mga kasong ito ang pahayag ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista na maganda na ang rekord ng Army sa paggalang sa karapatang pantao.

Sa suri ng Gabriela, ginagamit ng militar ang pandarahas sa kababaihan bilang bahagi ng panunupil ng militar sa ilalim ng Oplan Bayanihan. (PW Photo)

Sa suri ng Gabriela, ginagamit ng militar ang pandarahas sa kababaihan bilang bahagi ng panunupil ng militar sa ilalim ng Oplan Bayanihan. (PW Photo)

“Malinaw mula sa dumaraming insidente ng pang-aabuso sa kababaihan ng mga militar at paramilitar sa ilalim ng Oplan Bayanihan na hindi natitigil ang pandarahas at pang-aabuso sa kababaihan dahil sa pagpapatuloy ng kultura ng kawalang hustisya,” ayon kay Salvador.

Ayon naman kay Rjei Manalo ng Gabriela-ST sa kaso, “Ang mga ito ay tunay na tao; buhay na karanasan ng mga biktima lalo na sa mga liblib na lugar na militarisado. Patunay ito na nagpapatuloy at lumalala ang pang-aabuso ng kababaihan na maging ang mga kaso ng mga menor de edad.  Sadyang nakakabahala ito at higit na nakakaalarma ang patuloy na kawalang aksiyon ng pamahalaang Aquino.”

Sinabi ni Obeth Montes, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Gabriela at punong psychologist ng grupo, na nagiging bahagi ng programang kontra-insurhensiyang Oplan Bayanihan ang VAWC. Bahagi ng “winning hearts and minds” sa mga komunidad sa kanayunan ang panunuyo sa kababaihan.

Pero sa mga pagkakataong nabibigo siya sa pagsuyo sa kababaihan, ginagamitan sila ng dahas ng mga miiltar.

Samantala, kasabay ng kampanya ng Gabriela kontra sa VAWC, inanunsiyo ni Monique Wilson, tanyag na artista sa teatro at miyembro ng Gabriela, ang pandaigdigang kampanyang “One Billion Rising.”

Sa kampanyang ito, nakatakdang igiit ng kababaihan ng mundo sa Pebrero 14, 2013 sa kanilang mga gobyerno na wakasan ang VAWC.

Bidyo ni Priscilla Pamintuan, karagdagang bidyo ni Pher Pasion | Teksto ni Pher Pasion

Maaaring panoorin ang bidyo sa high-definition (HD) (720p)

UPDATE: Nagrali ang Gabriela at Migrante International sa harap ng Department of Justice noong Nobyembre 23 para igiit sa naturang ahensiya ang pag-imbestiga sa mga kaso ng panggagahasa sa kababaihan at bata na may suspek na mga militar o pulis.

Iginiit din ng Migrante ang pakikisangkot ng DOJ sa mga kaso ng VAW sa mga migranteng Pilipino.

Ipinakita ng Gabriela ang kawalan ng hustisya sa maraming kaso ng violence against women o VAW, kabilang ang mga panggagahasa ng militar sa kababaihanh at bata, pamamaslang at pagdukot sa kababaihan, at iba pa. (KR Guda)

Ipinakita ng Gabriela ang kawalan ng hustisya sa maraming kaso ng violence against women o VAW, kabilang ang mga panggagahasa ng militar sa kababaihanh at bata, pamamaslang at pagdukot sa kababaihan, at iba pa. (KR Guda)

Kabilang sa mga kaso ng VAW sa Pilipinas ang trafficking sa kababaihan at bata patungo sa ibang bansa. (KR Guda)

Kabilang sa mga kaso ng VAW sa Pilipinas ang trafficking sa kababaihan at bata patungo sa ibang bansa. (KR Guda)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: