Proyektong bioethanol sa Isabela Alipin na kalagayan ng mga manggagawang bukid

Nagsimula noong 2011 ang proyektong bioethanol ng dayuhang Green Future Innovations, Inc., (GFII) at kasosyo nitong Ecofuel Land Development, Inc. (ELD). Nakipagpirmahan ang GFII sa gubyernong panlalawigan ng Isabela noong 2006 para magtanim ng tubo at magtayo ng planta ng bioethanol sa lupang sasaklaw sa 11,000 ektarya sa 17 barangay ng Central Isabela. Ang bioethanol ay isang alternatibong enerhiya para sa paglikha ng kuryente.

Ang ELD ang nagtitiyak na mayroong lupang pagtatamnan ng tubo. Ito rin ang subkontraktor ng GFII sa pagkuha ng mga trabahador na magtatanim ng tubo at magtatrabaho sa planta ng bioethanol.

Kakutsaba ang dinastiyang Dy at ang militar, nangunguna ang ELD sa pagpilit sa mga magsasaka na ipaloob ang kanilang lupa sa proyekto. Para makuha ang lupa, pilit itong pinadadaanan ng traktora ng ELD kahit ayaw ng mga magsasaka. Matapos masira ang mga dating tanim ay pupwersahin ang mga magsasaka na pumaloob sa kontrata para tamnan ng tubo ang kanilang lupa at upahan sila bilang mga manggagawang bukid. Niloloko ng ELD ang masa na ibabalik nila ang lupa at magbibigay ng rentang P20,000 kada taon — isang pangakong hindi naman tinutupad. Pinapainan din sila ng malaking sahod para maengganyong magtanim ng tubo.

Dahil sa hirap ng buhay at sa matatamis na pangako, nagdagsaan ang masa papunta sa plantasyon para magtrabaho. Nanggaling sila di lamang sa iba’t ibang bayan ng Isabela at Nueva Vizcaya kundi sa iba pang prubinsya tulad ng Nueva Ecija, Negros, Sarangani at South Cotabato. Sa kabuuan, umabot sa mahigit 8,000 ang nagsalit-salitan bilang mga sakada sa mga plantasyon ng tubo para sa mga dayuhan at kasosyo nilang lokal na kapitalista.

Subalit isang taon matapos ang matatamis na pangako, walang pag-unlad na nangyari sa kabuhayan ng masa.

Mabigat na trabaho, kakarampot na sweldo. Salungat sa pangako na may naghihintay na malaking sahod, barya at pang-aalipin ang napala ng mga manggagawang bukid. Noong 2011, sa Barangay Minanga, San Mariano, kadalasan P26 lamang ang nakukuha nilang bayad kada araw. Kung mayroon mang ipapakain ang kumpanya sa kanila, noodles at dalawang pirasong tuyo lang ang ibinibigay ng ELD kapalit ng mabigat na trabaho sa tubuhan. Wala pang isang buwan, mayroon nang nagbebenta ng mga itak para may mapagkunan lang ng dagdag na panggastos.

Barya na nga, hindi pa naibibigay ang kumpletong sahod nila. Nakukuha nila ang tatlong-araw na sahod pagkatapos ng isang linggong pagtatrabaho. Ang ibang sahod ay ibinibigay ng kumpanya kapalit ng dagdag pang linggo ng pagtatrabaho. Bukod pa sa layunin ng ELD na makatipid at makakuha ng maraming kita, gusto nitong makatiyak na babalik ang mga manggagawang bukid.

Mayroon namang mga manggagawang bukid na hindi talaga nakatatanggap ng sahod. Halimbawa, noong Agosto 2011, nagpagawa ng kanal ang ELD para sa itatayong nursery ng tubo sa San Mariano. Nangako ang kumpanya na babayaran sila ng P150 kada metro kwadrado na mahuhukay nila, ngunit P150 kada araw lamang pala ang ibibigay nila. Marami pang manggagawang bukid ang hindi pa nababayaran hanggang ngayon.

Para madagdagan ang kita nila, buong pamilya ang nagpupunta upang magtrabaho. Nagtatrabahong parang kalabaw ang lahat, bata man o matanda. Nagtatanim, nag-aabono at naglilinis sila ng malalawak na ektarya ng lupain kapalit ng P50 lamang.

Kung aanihin na ang tubo, susunod naman ang mabibigat na trabaho ng pagtatapas, pagbubuhat, pagkakarga at pagdidiskarga ng mga tubo. Sa pagputol, bukod sa apat na sentimos lamang ang bayad kada putol, mas mababa pa ang sahod na nakukuha ng kababaihan. Hindi binabayaran ng kumpanya ang napuputol na tubo kung hindi ito bubuhatin. Pero kahit na buhatin, kung hindi ito madadala sa naghihintay na trak ng sakim na kumpanya, walang makukuha na kahit na anong bayad. Dagdag pa rito, hindi rin nila ibibigay nang kumpleto ang bayad kung hindi madidiskarga ang naisakay na tubo.

Ganito ang nangyari kina Delyo (hindi totoong pangalan) at sa apat pa niyang kasamahan. Mula sa Bintacan, Ilagan, nagpunta sila sa Barangay Binatug, San Mariano, at nakapagputol at nakapagkarga ng 55,000 putol. Kahit na pagod na pagod, nagbaba sila ng karga simula alas-8 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw. Pero P695.25 lamang ang kapalit ng pagod na ito o P135 kada isa. Ang iba ay P75 lamang ang nakuha dahil nagkarga lang sila at hindi sila nagdiskarga.

Umalis na rin ang maraming manggagawang bukid mula sa Isabela dahil mababa ang kanilang nakukuhang bayad kapalit ng napakabigat na pagtatrabaho. Noong Marso, naibalita sa Bombo Radyo ang pag-alis ng mga trabahador na naglakad mula San Mariano hanggang Cauayan na kahit sana pamasahe man lamang nilang pauwi ay hindi pa nila nakuha!

Puro perwisyo, walang benepisyo. Katwiran ng GFII, maliit ang natatanggap na sweldo ng mga manggagawa dahil napupunta raw ito sa kanilang mga benepisyo. Napipilitan ngang magbayad ang kawawang mga manggagawa ng maraming rekisito sa SSS o Philhealth, pero wala naman silang benepisyong nakukuha. Kadalasan, bago pa maaprubahan ang SSS, lumipat o nakaalis na sa trabaho ang mga sakada dahil hindi naman naipatutupad ang mga kasunduan.

Dahil din idinadaan ng GFII sa subkontraktor ang pagkuha ng mga manggagawa, sinasabi nitong wala itong obligasyon sa mga trabahador. Sa kabilang banda, libre naman ang mga kontraktor na pumiga ng ganansya sa pamamagitan ng pagsasamantala. Anumang oras, maaring tanggalin ng GFII o kontraktor ang mga manggagawang bukid. Nagtatrabaho ang mga tao nang walang malinaw na kontrata. Kung mayroon man, hindi naman nasusunod ang mga ito. Lalong naaalipin ang mga manggagawang bukid.

Iniipit pa ng GFII at mga kontraktor ang mababa na ngang sahod ng mga manggagawa. Sampung manggagawang bukid na nanggaling pa sa Nagtipunan, Quirino ang nagtanim ng tubo sa loob ng dalawang linggo, kapalit dapat ng P2,250 kada ektarya, ayon sa kontraktor. Sa aktwal, halos P112 lang ang sahod ng bawat isa sa kanila, pero apat na buwan na hindi nagbayad ang kontraktor. Ang dahilan, nagastos daw niya ang pera kaya nagtiis muna ang mga trabahador.

Ganoon din ang ginawa ng kontraktor ng Kratos Manpower Services sa 11 manggagawang bukid sa Bintacan, Ilagan. Isang linggo pa ang lumipas bago ibinigay ang kulang na sahod. Para sa tatlong araw na paglilinis, nagbayad lamang sila ng P145 kada trabahador. Binawasan ng mga kontraktor ang sahod nila dahil marami raw silang utang sa kantina, kahit wala naman.

Walang ginagastos na anuman ang kumpanya para maibigay ang mga pangangailangan sa trabaho. Kung pupunta ang sakada sa trabaho, siya ang bahalang maghanap ng gagamiting pala, bareta, itak, guwantes, kamisa de tsino, sapatos o bota para hindi makagat ng ahas sa masukal na tubuhan. Tanging ang mga superbisor, teknisyan at aide lamang ang binibigyan ng gamit. Kahit lubhang matapang ang mga abono at pestisidyo na iniisprey ng mga trabahador, wala man lamang silang proteksyon sa katawan. Nabababad sa pestisidyo ang damit ng mga trabahador. Kapag umuulan, wala silang kapote o masisilungan, at nagtitiis silang mabasa hanggang dumating ang trak na sundo nila.

Ibinubulsa pa ng kumpanya ang pondo para sana sa lingguhang alawans, libreng bigas at tubig na ipinangako sa mga trabahador. Imbes na bigyan ng pagpapahingaan at tulugan ang mga mangggagawa, pinapatulog lamang sila sa bodega sa San Mariano, bilaran ng saging sa Cauayan o kaya’y sa stage sa Barangay Delfin Albano.

Marami ang mga lumitaw na sakit sa mga manggagawa — malalalim at masasakit na sugat sa paa, sakit sa ulo, pabalik-balik na ubo, pagtatae, at sakit sa balat. Nagkasakit ang mga trabahador na uminom sa maruming tubig sa Barangay Bacolod, Cauayan. Nagkaroon ng sakit sa balat, mata at paghinga kahit ang mga asawa ng mga sakada na naglaba ng mga damit ng mga nag-isprey na trabahador.

Noong Hulyo 1, 2011, nahulog sa bangin sa Sityo Curauitan, Barangay Binatug, San Mariano ang trak na maghahatid sana sa plantasyon. Isa ang namatay, at 40 ang grabeng nasugatan sa mga trabahador. Tanging pagpapaospital lamang ang sinagot ng kumpanya, at walang ibinigay para sa gamot. Wala raw pondo at hindi maharap ang pag-aasikaso.

Tusong kontraktor, kawawang trabahador. Marami pang pamamaraan ang mga kontraktor at GFII para makatipid sa gastos at makapagdagdag pa ng ganansya. Kadalasan ay wala ang traktora ng kumpanya hanggang alas-10 ng umaga, bagay na ikinalulugi ng mga trabahador dahil pakyawan ang trabaho nila. May mga araw na nakaistambay sila dahil wala pang mapagtataniman, hindi pa naihahanda ang pagtataniman, o kaya’y walang maitatanim. Kahit ayon sa batas ay dapat na silang bayaran sa naaksaya nilang oras, walang natatanggap na bayad ang mga manggagawa. Pero pinapagawa ng mga tusong kontraktor ng ulat ang mga manggagawang bukid na nagtrabaho sila para maibulsa ng kontraktor ang pera.

Dahil walang trabaho, wala ring sahod, at wala ring makain ang mga tao. Daan-daang manggagawang bukid ang nagugutom. Marami sa kanila ang namamalimos ng pagkain sa iba. Kumakapit na lamang sila sa pautang na may mataas na interes.

Binabago rin ng mga kontraktor ang mga patakaran sa pagtatrabaho para mabawasan ang gastos nila. Halimbawa, dahil P420 ang bayad sa 10,000 putol ng tubo, ibinaba ng kumpanya sa P400 ang bayad nang mapansin na nakakarami na ang mga trabahador. Sa sistema naman ng tumpukan, napansin ng kumpanya na nakakakuha ng dagdag na kita ang mga trabahador, kaya binago nila ang patakaran na sa isang gappa (malaking basket), hanggang 80 lamang ang bilang ng putol na tubo kahit pa punung-puno ito. Wala nang makukuhang dagdag pang bayad ang mga manggagawang bukid.

Sa plantasyon sa Villa Pereda, Delfin Albano, walang malinaw na bayad para sa obertaym ng mga drayber ng traktora. Nakikipagsabwatan naman ang mga kontraktor sa sipsip na teknisyan, at pinaghahatian nila ang P2,400 na pasahod matapos ibigay ang kalahati lamang sa mga manggagawang bukid.

Sa halip na pag-unlad ang ibigay nito katulad ng ipinapangalandakan ng Ecofuel, dinastiyang Dy at ng AFP, napatunayan na walang kahit isang pamilya ang umangat mula sa kahirapan at naaagawan pa sila ng lupa. Nakita mismo ng mga trabahador ang katotohanang ito. Sa kasalukuyan, mahigit 1,000 na lamang ang mga manggagawang bukid ng Ecofuel mula sa dating 3,000.

Ano ang magbibigay ng ginhawa sa mga mahihirap? Planadong pagpupuhunan at pagtatayo ng mga pangmasang proyekto na lilikha ng mga produkto na kailangan ng mamamayan, hindi yaong mga nagsisilbi sa mga dayuhan at panginoong maylupa.

 

Bioethanol project in Isabela

Slave-like conditions of farm workers

The bioethanol project of the foreign-owned Green Future Innovations, Inc. (GFII) and its business partner Ecofuel Land Development, Inc. (ELD) began in 2011. The project arose as a result of a contract signed by GFII with the Isabela provincial government in 2006 to plant sugar cane and build a bioethanol plant on 11,000 hectares covering 17 barangays in Central Isabela. Bioethanol is an alternative source of energy for generating electricity.

The ELD ensures the procurement of land for planting sugar cane and acts as GFII’s subcontractor in hiring laborers to plant sugar cane and work in the bioethanol plant.

In collusion with the Dy dynasty and the military, the ELD has been coercing the peasants to have their lands covered by the project. To ensure this, the ELD orders its tractors to run over the peasants’ fields to destroy their existing crops. The company then forces the farmers to sign over their lands to have them planted to sugar cane and for them to toil as farm workers for the project. The ELD deceives the farmers into believing that their lands will be given back to them in time and that they would be paid P20,000 per year as lease. They are also promised high wages to entice them to plant sugar cane.

Hard times and sweet promises did attract the masses to come in hordes to work in the plantation. They came not only from the different towns of Isabela and Nueva Vizcaya but from provinces like Nueva Ecija, Negros, Sarangani and South Cotabato. All in all, more than 8,000 migrant farm workers took turns in planting sugar cane for the foreigners and their local capitalist partner.

But one year after the sugary promises were made, there has been no improvement in the masses’ economic conditions.

Back-breaking work for measly wages. Contrary to the high wages that were promised, all the farm workers got were slave wages for their slave-like toil. In 2011, in Barangay Minanga, San Mariano, farm workers often received a mere P26.00 in daily wages. ELD gave each worker a bowl of instant noodles and two pieces of dried fish for their back-breaking work at the sugar cane fields — if they were fed at all. After less than a month, some of the workers were already selling their machetes just to have a little more money to spend.

They were also rarely paid in full. They usually receive three days’ wages after a week of working. The company gives the rest of their wages in exchange for still another week’s work. Aside from ELD’s desire to scrimp and rake in more profits, it wants assurance that the farm workers will come back.

Some farm workers were never paid. For instance, in August 2011, ELD ordered the construction of a canal for a sugar cane nursery in San Mariano. The company promised to pay them P150.00 for every square meter of earth they dug up, but ended up paying them P150.00 per day. Many of the peasants who worked on the canal have yet to be paid.

For added income, entire families show up for work. Young and old, they all toil and sweat, planting, applying fertilizer, clearing hectares of land for a mere P50.00.

Once the sugar cane is ready for harvest comes the heavy tasks of cutting, hauling, loading and unloading the sugar cane. They are paid a mere four centavos per stalk, with women workers paid even less. The company refuses to pay the workers for cutting sugar cane unless these are likewise hauled. Even then, if the cane is not loaded onto the greedy company’s trucks, the workers will not be paid a single centavo. They will also not be paid in full if they do not unload the cane.

This is exactly what happened to Delyo (not his real name) and his four co-workers. From Bintacan, Ilagan, they went to Barangay Binatug in San Mariano, and cut and loaded 55,000 stalks. Already exhausted, they still went on to unload their cargo from 8 p.m. to 3 a.m. But they were paid only P695.25 for their toil, or P135.00 each. Others were paid only P75.00 because they loaded cane but did not unload them.

Many farm workers have already left Isabela because of the low wages and the back-breaking work. In March, Bombo Radyo reported the departure of workers who walked from San Mariano to Cauayan town and were not even paid enough for transport fare!

Heavy burdens, no benefits. GFII claims that the workers receive very little in wages because of deductions for their benefits. The hapless workers are forced to endure deductions for the SSS or Philhealth, but do not enjoy any benefits at all. They usually end up transferring jobs or leaving work even before their SSS applications are approved because the company does not abide by the terms of their work contracts.

GFII also claims that because it hires workers through labor subcontractors, it has no obligations to its laborers. On the other hand, contractors are given free rein to bleed the workers dry. GFII or the cntractors can fire the farm workers any time. The laborers toil without clear work contracts. If they do have contracts, these are not complied with by the company. The farm workers end up being more severely exploited and oppressed.

GFII and the contractors often do not release the workers wages on time. Ten farm workers from Nagtipunan, Quirino planted sugar cane for two weeks and expected to be paid P2,250.00 per hectare, as the contractor promised. Each of them were only paid P112.00, but had to wait four months to get the money because the contractor said he had spent it.

A contractor at Kratos Manpower Services did the same to 11 farm workers from Bintacan, Ilagan. A week had passed before he gave them reduced wages. Each worker was only paid P145.00 for three days of clearing a field for planting. The contractor claimed that he had to deduct their debts from the canteen, even if they did not incur any.

The company does not provide the workers with any equipment or work clothes. Farm workers have to procure their own shovels, digging bars, machetes, gloves, long-sleeved shirts, shoes or boots to avoid being bitten by snakes hiding in the thickets. Only the supervisors, technicians and aides are provided such needs. Even if the fertilizer and pesticide sprays they use are so potent, the workers are not provided any protection. Their clothes end up being soaked in pesticide. When it rains, they do not have raincoats or shelter, and become drenched while waiting for the truck to fetch them.

The company pockets the funds intended for their weekly allowance, and free rice and water rations that were promised the workers. Instead of providing them a place to rest and sleep, the workers are made to spend the night in a warehouse in San Mariano, a banana drying facility in Cauayan or a stage in Barangay Delfin Albano.

The workers have fallen victim to many illnesses — deep and painful leg wounds, headaches, recurrent coughs, diarrhea and skin diseases. Workers who drank the polluted water in Barangay Bacolod, Cauayan fell sick. Even the wives of farm workers who washed their husbands’ pesticide-soaked clothes suffered skin, eye and respiratory ailments.

On July 1, 2011, a truck that was transporting workers to the plantation fell off a cliff in Sitio Curauitan, Barangay Binatug, San Mariano, leaving one laborer dead and 40 others severely injured. The company paid for their hospitalization but provided nothing for medicines, claiming lack of funds and lack of time to attend to their needs.

Cunning contractors, hapless workers. GFII and its contractors have conjured up many ways to scrimp on expenses and add to their profits. The company’s tractor usually arrives only at 10 a.m., putting the workers at a disadvantage since they are paid by the job and not on a daily basis. There are days when they are idle because there are no fields to plant, or the land had not yet been prepared for planting, or there are no cane cuttings to plant. Even if the law stipulates that they should be paid for their time spent waiting, they get nothing. But the cunning contractors make the farm workers fill up job completion reports anyway so they could pocket the wages.

No work means no pay and no food. Hundreds of hungry farm workers have been forced to beg for food or borrow money at exorbitant interest.

Contractors also arbitrarily change work rules to reduce labor costs. For instance, instead of paying the usual P420.00 for every 10,000 stalks of sugar cane cut, the company has reduced this to P400.00 after noticing that the workers have been cutting more cane. In another system where workers get paid by the gappa (big basket), the company decreed that only 80 stalks will be counted per basket no matter how full it is. Workers do not get paid extra for cutting cane stalks in excess of this number.

In a plantation at Villa Pereda, Delfin Albano, tractor drivers do not get paid for overtime work. The contractors also collude with the sycophant technicians and split P2,400.00 in wage money between them after giving the other half to the farm workers.

Instead of the progress promised by Ecofuel, the Dy dynasty and the AFP, not a single family has been raised from poverty, and the farmers even lose their land to boot. No less than the workers themselves are witness to this truth. At present, Ecofuel is down to only a little more than a thousand workers from its previous 3,000.

What will alleviate the suffering of the poor? Planned investments and building mass projects that would create products needed by the people, not goods that cater only to foreigners and landlords.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: