Libu-libong manggagawa, nawawalan ng trabaho

Ilampung libong manggagawa sa mga sentro ng kapitalismo ang nakatakdang mawalan ng trabaho sa darating na mga buwan dulot ng pagsasara ng malalaking kumpanya. Palatandaan ito ng lalo pang pagtindi ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo, kabaliktaran ng nais palabasin ng mga imperyalistang bansa na humupa na, kundiman tapos na, ang krisis.

Puegeot. Sa France, 8,000 manggagawa ang tatanggalin dahil sa pagkalugi ng Peugeot, isang pagawaan ng mamahaling kotse. Magsasara ang ilang planta nito sa France at babawasan ang produksyon nito sa iba pang pagawaan sa buong Europe.

Mariing tinutulan ng mga unyon ng mga manggagawa ang naturang pagbawas. Kalahati ng Puegeot ay pagmamay-ari ng General Motors, isang bangkaroteng kumpanyang Amerikano.

Nokia. Mahigit 40,000 manggagawa ng Nokia ang nawalan na ng trabaho mula pa 2010 dahil sa pagkalugi ng kumpanya. Nasa proseso na ng pagsasara ang mga pagawaan nito sa Hungary, Mexico at Finland. Sa susunod na taon, 10,000 libong manggagawa ang nakatakdang tanggalin.

Ang Nokia ay nagsimulang gumawa ng cellphone noong 1992 ngunit kalaunan ay naungusan ng iba pang mga gumagawa ngcellphone. Dahil dito, magsasara ang natitirang upisina nito sa Finland, Germany at Canada. Bumaba nang mahigit 70% ang halaga ng sapi ng Nokia at umaabot na lamang ito sa 1.51 euro.

Kodak. Noong Enero, tuluyan nang nabangkrap at nagsara ang Kodak, isang kumpanyang gumagawa ng mga kamera. Hindi ito nakaagapay sa sobrang produksyon at paggawa ng mas modernong mga digital camera. Mahigit 18,000 manggagawa ng Kodak ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara nito.

Hawker Beechcraft Inc. Dahil sa pagkalugi mula pa noong 2010, ibinenta ngayong Hulyo ng Hawker Beechcraft Inc. ang pagawaan nito ng mga eroplanong pandigma at business jet na nakabase sa US. Nabili ito sa halagang $1.7 bilyon ng Superior Aviation Beijing, isang kumpanyang Chinese. Libu-libong manggagawa ang nawalan ng trabaho sa pagsasara ng naturang kumpanya noong Mayo.

 

Thousands of workers to be laid off

Tens of thousands of workers in the centers of capitalism are set to lose their jobs in the coming months due to the closures of several big companies. This marks a turn for the worse of the international capitalist crisis, contrary to claims by imperialist countries that the crisis is in remission, if not ended.

Puegeot. In France, 8,000 workers will be laid off due to luxury car manfacturer Peugeot’s bankruptcy. Some of its plants in France will close down and production cut in its other factories across Europe.

The workers’ union is strongly opposed to the layoff. Half of Peugeot is owned by General Motors, a bankrupt American company.

Nokia. More than 40,000 Nokia workers have been out of work since 2010 due to company losses. It is already in the process of closing down its factories in Hungary, Mexico and Finland. Next year, another 10,000 workers will be terminated.

Nokia began manufacturing cellphones in 1992 but was eventually overtaken by other cellphone manufacturers. It will thus be shutting down its remaining offices in Finland, Germany and Canada. The value of Nokia’s stocks have fallen by more than 70%, with each share now worth only 1.51 euros.

Kodak. The camera manufacturer eventually folded up and closed shop in January. Kodak was unable to cope with the overproduction of cameras and the rise of the more modern digital cameras. More than 18,000 Kodak workers have lost their jobs due to the closure.

Hawker Beechcraft Inc. Company losses since 2010 have forced Hawker Beechcraft Inc. in July to sell its US-based combat plane and business jet factory for $1.7 billion to the Chinese-owned Superior Aviation Beijing. Thousands of workers were laid off when the company closed down in May.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: