Eleksyon sa 2013: Girian ng mga lumang pangalan sa pulitika

Umiinit na ang pag-uusap-usap ng mga personahe at mga partido pampulitika sa bansa dahil sa napipintong kampanya para sa eleksyong 2013. Gayunman, wala pang pinal na hanayan dahil nagpapatuloy ang mga pag-uusap ng mga lider hinggil sa mga posibleng mabuong koalisyon. Halos wala nang imposible sa mundo ng reaksyunaryong pulitika. Dahil sa kawalan ng prinsipyo, ang noo’y matinding magkakaaway ay ngayo’y magkakaibigan na, at ang mga magkakampi noon ay maaaring maging magkatunggali.

Iisa lamang ang tiyak: ang eleksyong 2013, katulad ng nakaraang mga eleksyong ay labanan ng mga lumang pangalan sa reaksyunaryong pulitika. At ang mga lumang pangalang ito ay nagmula sa kilalang mga dinastiya sa pulitika.

Halimbawa nito ang ipinagmamayabang na mga posibleng kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA), ang koalisyong binuo nitong maagang bahagi ng taon na kinabibilangan ng PDP-Laban Party ni Vice President Jejomar Binay at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating President Joseph Estrada. Ipinaparada ng UNA ang mga pangalan nina Rep. Jackie Enrile, anak ni Senate President Juan Ponce-Enrile at itinuturing na kabilang sa “Big 3” ng UNA kasunod nina Binay at Estrada. Nariyan din sina Zambales Rep. Mitos Magsaysay, dating Sen. Juan Miguel Zubiri ng Bukidnon, Cebu Gov. Gwendolyn Garcia at dating Surigao del Sur Gov. Robert Ace Barbers. Ang mga huling nabanggit ay dating mahihigpit na kaalyado ni Gloria Arroyo pero ngayo’y nasa iba nang partido.

Posibleng maging mga kandidato ng Liberal Party (LP) ang mga elemento mula sa ibang partido tulad nina Aurora Rep. Juan Edgardo Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino, anak ni Sen. Edgardo Angara; dating Rep. Risa Hontiveros ng Akbayan Citizens’ Party; at Technical Education and Skills Development Authority Director General Joel Villanueva, anak ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Movement. Inianunsyo rin nitong Hulyo ni Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, pinsang buo ni Aquino na tatakbo siya sa Senado. Bukas din ang LP sa pagpasok ni Sen. Koko Pimentel, pangulo ng PDP-Laban, makaraang kumalas ito sa UNA dahil ayaw tanggalin ni Estrada sa listahan ang kalaban niyang si Zubiri.

Nitong huli, inamin mismo ni Aquino na may nagaganap na mga negosasyon sa pagitan ng Liberal Party at ng Nacionalista Party (NP) ni Sen. Manuel Villar at Nationalist People’s Coalition (NPC) ng tiyuhin niyang si Eduardo “Danding” Coajuangco. Malamang na maihanay sa 12 kandidato para sa Senado sina Rep. Cynthia Villar ng Las Piñas at Sen. Peter Cayetano, Sen. Antonio Trillanes IV, parehong mga taga-NP, at si Sen. Loren Legarda ng NPC (na ipinalit ni Estrada kay Pimentel nang kumalas ito sa UNA).

Kahit ang pakonswelo de bobo na lamang na sistemang partylist ay gustong dominahan din ng mga kamag-anak o mga alipures ng mga tradisyunal na pulitiko.

Lantaran ang bentahan ng pwesto para maupo bilang kinatawan ng mga partylist group at pagtatayo ng mga partylist na hindi naman totoong kumakatawan sa isang sektor.

Kaugnay nito, iginigiit ng ilang sektor sa Commission on Elections na repormahin ang mga kategorya para sa sistemang partylistpara mapurga umano mula sa hanay nito ang mga pekeng partido tulad ng Ang Galing Pinoy ni Mikey Arroyo. Ang totoo’y balak nilang magbuo ng mga partidong patatakbuhin ng mga burges na pulitiko at lalong isaisantabi ang mga partidong tunay na nagdadala ng interes ng masang anakpawis.

Sa isang panahon, pinalutang ng magkalabang partido ang posibilidad ng pagbubuo ng isang “super coalition” sa pagitan ng UNAat LP. Una itong inialok ni Rep. JV Ejercito, anak ni Estrada kay Mayor Guia Gomez ng San Juan. Kaagad rin itong nalusaw nang ipahayag ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ni Aquino, na tinanggihan ni Aquino ang alok ng mga Ejercito.

 

2013 elections: Contest of old names in politics

Horse-trading among the country’s political parties and personalities has been heating up in the face of the upcoming campaign for the 2013 elections. Nonetheless, no final tickets have been announced as political leaders continue to negotiate on building possible coalitions. There is practically nothing impossible in the world of reactionary politics. The absence of principle-based unity leads to former enemies becoming friends and former allies ending up on opposite sides of the political fence.

Only one thing is certain: the 2013 polls, like all previous electoral contests, will see the old names in reactionary politics competing with each other. And the old names are those of none other than the infamous political dynasties.

A case in point is the United Nationalist Alliance (UNA), a coalition formed early this year by the PDP-Laban Party of Vice President Jejomar Binay and the Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) of former Pres. Joseph Estrada. UNA boasts of a probable ticket comprising Rep. Jackie Enrile, son of Senate President Juan Ponce Enrile who is considered one of UNA’s “Big 3” aside from Binay and Estrada. Also in the lineup are Zambales Rep. Mitos Magsaysay, former Sen. Juan Miguel Zubiri of Bukidnon, Cebu Gov. Gwendolyn Garcia and former Surigao del Sur. Gov. Robert Ace Barbers. The latter are former close allies of Gloria Arroyo who have crossed over to another party.

Probable Liberal Party (LP) candidates include elements from other parties like Aurora Rep. Juan Edgardo Angara of the Laban ng Demokratikong Pi-lipino, son of Sen. Edgardo Angara; former Rep. Risa Hontiveros of Akbayan Citizens’ Party; and Technical Education and Skills Development Authority Director General Joel Villanueva, son of Bro. Eddie Villanueva of Jesus is Lord Movement. Aquino’s first cousin Paolo Benigno “Bam” Aquino IV also announced this July his intention to run for the Senate. The LP is likewise open to the entry of PDP-Laban president Sen. Koko Pimentel after he bolted UNA due to Estrada’s refusal to drop Pimentel’s rival Zubiri from the rolls.

Aquino has, of late, admitted that the Liberal Party is in the thick of negotiations with Sen. Manuel Villar’s Nacionalista Party and the Nationalist People’s Coalition led by Aquino’s uncle Eduardo “Danding” Cojuangco. Among their likely candidates for the Senate are Las Piñas Rep. Cynthia Villar, Sen. Peter Cayetano and Sen. Antonio Trillanes IV, all of the NP, and Sen. Loren Legarda of NPC (who Estrada has substituted for Pimentel after the latter’s departure from UNA).

Relatives or factotums of traditional politicians want to dominate even the token party-list system.

Talk is rife on how partylist group seats are being auctioned off to the highest bidder and about parties being put up that do not truly represent a particular sector.

In a related development, some sectors are demanding that the Commission on Elections introduce reforms in the system of partylist categories ostensibly to purge the list of bogus parties like Ang Galing Pinoy led by Mikey Arroyo. In fact, their real motive is to organize parties run by bourgeois politicians and further marginalize parties that truly promote the interests of the toiling masses.

Rival political parties had also, for a time, floated the idea of forming a “super coalition” of UNA and LP forces. The idea was first broached by Rep. JV Ejercito, Estrada’s son by San Juan mayor Guia Gomez. The concept fizzled as quickly as it was conceived when Malacañang spokesperson Edwin La-cierda said that Aquino rejected the Ejercitos’ proposal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: