Nagwewelgang manggagawa sa midya, may malawak na suporta

Nakatanggap ng malawak na suporta sa iba’t ibang sektor ang mga empleyado ng Radio Mindanao Network (RMN) sa Davao City na nagwewelga para sa dagdag-sahod at benepisyo.

Nakipagkaisa ang iba’t ibang miyembro ng midya sa Davao, sa ilalim ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) – Davao, gayundin ang mga grupong simbahan at militanteng mga manggagawa, sa laban ng RMN Davao Employees Union.

Kabilang sa nakiisa sa piketlayn ng mga manggagawa ang mga miyembro ng Rural Missionaries of the Philippines, Kilusang Mayo Uno sa Davao, at iba pang progresibong organisasyon.

Naghayag din ang pambansang pamunuan ng NUJP ng suporta sa laban ng mga empleyado ng RMN.

We call on all journalists to stand by our colleagues in the RDEU and to follow their example by organizing and likewise demand their due,” pahayag ng NUJP.

Hinikayat naman ni Roger Balanza ng Durian Post ang mga manggagawa ng RMN Davao na ipagpatuloy ang laban hanggang makamit nila ang ipinaglalabang mga mithiin.

“It would be funny if media fight for the harassed but cannot stand against those who trample press freedom and abuse media workers,” sabi pa ni Balanza.

Nagawang ipatigil ng nagwewelgang mga manggagawa ang brodkast ng naturang estasyon, sa pagsisimula nito ng welga noong Martes, Hulyo 11.

Bakit nagwelga

“Refusing to go to work until their demands are answered is but a fitting response of the workers to remind the company that they are after all, the spokes that keep the radio business going, and churning in huge profits,” pahayag ng NUJP-Davao.

Sa di-nagtagumpay na Collective Bargaining Agreement (CBA), hiniling ng mga nagwewelgang empleyado ang karagdagang P75 sa kanilang arawang suweldo.

Samantala, napag-alaman ng unyon na aabot lamang sa karagdagang P99,000 kada buwan ang gagastusin ng manedsment sa hinihinging dagdag-suweldo ng mga manggagawa nito, samantalang P24-Milyon kada buwan ang tinatayang kinikita ng RMN Davao Station.

Sa isang memorandum of agreement ng dalawang panig, nagkasundo ang manedsment at unyon na magsimula ng negosasyon para sa dagdag-suweldo ng mga manggagawa. Pero tumanggi umano ngayon ang manedsment na makipagnegosasyon sa unyon.

Bago ang negosasyon sa CBA, noong 2010, tinangka rin ng manedsment na isantabi ang karapatan ng mga manggagawa, sa pamamagitan ng biglaang pagsibak sa station manager nito at pagtanggal sa dalawang iba pa.

Umaksiyon ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagtatag ng unyon.

Demands for decent wages cannot be put on hold, especially not with RMN doing good business, raking in huge profits. A decent wage is paramount to the media worker’s well-being. Corollary to this is a condition for a free press,” pahayag ni Jessie Casalda, tagapangulo ng NUJP-Davao.

Artikulo ng PW Staff, karagdagang ulat ni Cheryll Fiel/Davaotoday.com

(Narito ang ilang larawan ng welga:)

Nagwelga ang mga mamamahayag, reporters at technicians na mga empleyado at manggagawa ng Radio Mindanao Network (RMN) sa Davao City simula noong Hulyo 10, 2012 sa transmitter site ng RMN sa Madapo Hills laban sa pagkabigo ng manedsment ng RMN na tuparin ang mga isinasaad sa kasunduan noong Nobyembre ng nakaraang taon.  (Artemio de Lete)

Nagwelga ang mga mamamahayag, reporters at technicians na mga empleyado at manggagawa ng Radio Mindanao Network (RMN) sa Davao City simula noong Hulyo 10, 2012 sa transmitter site ng RMN sa Madapo Hills laban sa pagkabigo ng manedsment ng RMN na tuparin ang mga isinasaad sa kasunduan noong Nobyembre ng nakaraang taon. (Artemio de Lete)

Mga Madre na kasapi ng Sisters' Association of Mindanao at Rural Missionaries of the Philippines, sumuporta sa mga empleyado ng RMN-Davao Employees Union sa inulunsad nitong welga laban sa management ng RMN. (Barry Ohaylan)

Mga Madre na kasapi ng Sisters’ Association of Mindanao at Rural Missionaries of the Philippines, sumuporta sa mga empleyado ng RMN-Davao Employees Union sa inulunsad nitong welga laban sa management ng RMN. (Barry Ohaylan)

Pakikiisa ng mga taong-simbahan at iba pang sektor sa welga ng mga manggagawa sa RMN Davao. (Barry Ohaylan)

Pakikiisa ng mga taong-simbahan at iba pang sektor sa welga ng mga manggagawa sa RMN Davao. (Barry Ohaylan)

Nakipanayam ang isang nagwewelgang manggagawa ng RMN Davao sa isang kapwa manggagawa ng midya, sa piketlayn nila. (Artemio de Lete)

Nakipanayam ang isang nagwewelgang manggagawa ng RMN Davao sa isang kapwa manggagawa ng midya, sa piketlayn nila. (Artemio de Lete)

 

Mahigpit na kaugnayan at tagasuporta ng mga manggagawa ng RMN Davao ang sentro ng miltanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno. (Artemio de Lete)

Mahigpit na kaugnayan at tagasuporta ng mga manggagawa ng RMN Davao ang sentro ng miltanteng unyonismo na Kilusang Mayo Uno. (Artemio de Lete)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: