Bagong sistema ng pasahod tinututulan ng mga manggagawa

Simbolikong sinunog ng mga manggagawa ang panukalang 2 tiered wage system ng Department of Labor and Employment, sa isang piket. Tinutulan ng Kilusang Mayo Uno ang panukala dahil mas lalong bababa ang sahod ng mga manggagawa. (Macky Macaspac)

Simbolikong sinunog ng mga manggagawa ang panukalang 2 tiered wage system ng Department of Labor and Employment, sa isang piket. Tinutulan ng Kilusang Mayo Uno ang panukala dahil mas lalong bababa ang sahod ng mga manggagawa. (Macky Macaspac)

“Sa halip na ibigay ang matagal nang hiling ng mga manggagawa para sa makabuluhang dagdag sahod, pinapaliit at pinapanatiling mababa ni Pangulong Aquino ang sahod ng mga mangggagawa.”

Ito ang sinabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU),  sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa piket Ng grupo noong Hulyo 9.  Tinututulan ng KMU ang panukalang pagpapatupad ng panibagong sistema ng pasahod na inaprubahan ng DOLE: angtwo tiered wage system.

Ayon sa grupo, ang bagong sistema ng pasahod ay magpapasahol sa kalagayang ng mga manggagawa dahil  mapapawalang-saysay nito ang minimum na sahod. “Nais naming maibasura agad ang bagong sistema ng pasahod.  Makakadagdag ito sa pagpapaliit ng minimum na sahod at magiging masahol ang regionalizationng minimum na sahod,” ani Soluta.

Paliwanag ni Soluta, may dalawang bahagi ang pasahod sa ilalim ng two tiered wage system. Una ang floor wage na itinatakda ng mga regional wage board at pangalawa naman ang productivity base wage levels na itatakda naman ng mga kompanya.  Sabi pa ni Soluta, lubha umanong napakababa ng  itinakdang floor wage at ibinatay sa poverty threshold ng gobyerno.

“Pinaliit nga nila ang poverty threshold. Kung dati, nasa Php52 kada araw ngayon Php42 na. Ibig sabihin, dito nila ibabatay ang floor wage,” ani Soluta.  Aniya mas mababa ang floor wage sa itinakda ng mga regional wage board na minimum na sahod.

Inihalimbawa ng lider-obrero ang rehiyon ng Timog Katagalugan, kung saan Php337 ang average minimum wage at Php255 ang itinakdang floor wage. “Ang layo ng floor wage sa regional minimum wage, pinababa ito ng bagong sistema ng pasahod,” aniya.

Dagdag pa ni Soluta, hindi na umano makakatanggap ng anumang umento ang mga manggagawang tumatanggap ng minimum na sahod sa Timog Katagalugan sa loob ng limang taon. “Lagpas na kasi sila sa itinakdang floor wage. Hindi na rin sila makakatanggap ng karagdagang sahod sa loob ng limang taon.”

Bukod pa sa papaliitin umano ng two tiered wage system ang sahod, moratoryo pa ito para sa mga manggagawang tumatanggap ng minimum na pasahod.

Hindi rin umaasa ang grupo sa pangalawang bahagi ng bagong sistema sa pasahod na productivity based wage incentive, dahil hindi umano magkukusang magbigay ng dagdag sahod ang mga nagmamay-ari ng kompanya o mga kapitalista.

“Kailanman, hindi puwedeng umasa ang mga manggagawa sa generosity ng kompanya, dahil ang mga kompanya at mga namumuhunan ang tanging hangad ay tubo.  Kaya mali na iasa sa kanila ang dagdag sahod,” sabi pa ni Soluta.

Iginigiit ng KMU na ang two tiered wage system ay kontra sa interes ng mga manggagawa at pumapabor lamang para sa mga kapitalista.

Nagbanta rin ang grupo na maglulunsad sila ng pambansang kampanya para tutulan ang panukalang bagong sistema ng pasahod at dadalhin ang pagtutol sa ikatlong State of the Nation Address  ni Pangulong Aquino sa Hulyo 23.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: