Takbo para sa hustisya, paglitaw sa mga nawawala

Tumakbo ang aabot sa isandaang katao noong Hunyo 22 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City. Pero ayon sa mga organizer, hindi raw ito fun run: Dahil walang masaya sa isyu ng enforced disappearances desaparecidos, at ang patuloy na pagkawala nila at ng hustisya sa kanilang mga kaso.

Ginanap ang naturang pagtakbo bago ang ika-anim na taong anibersaryo ng pagdukot sa mga estudyante ng UP at aktibista na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno, na dinukot ng mga elemento ng militar sa ilalim ni Hen. Jovito Palparan noong Hunyo 26, 2006.

Kasama ang mga ina nina Sherlyn at Karen, mga kaibigan, dating kaeskuwela at guro, kasalukuyang aktibista, at si Kabataan Rep. Raymond Palatino, dalawang beses na inikot ng runners ang Academic Oval (4.4 kilometro) para bigyang pokus sa publiko ang patuloy na pagkawala ng mga tulad nina Sherlyn at Karen.

Nais din nilang bigyang pokus ang patuloy na pagtatago ni — at pagkabigo ng administrasyong Aquino na tugisin si — Jovito Palparan.

Narito ang ilang larawan ng “Run for Your Life 2: This is not a fun run,” na inisponsor ng Karapatan at iba pang grupong pangkarapatang pantao:

Muling nanawagan ang Karapatan, Hustisya at mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa pag-aresto ng puganteng si Jovito Palparan at mabigyang hustisya sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Itinaon ang aktibidad na tinaguriang Run for your Life (This is not a fun run) sa anibersaryo ng pagkawal ng dalawang biktima. PInangunahan ng mga ina nina Karen at Sherlyn ang martsa, kasama ang mga lider-estudyante ng UP at si Kabataan Rep. Raymond Palatino. (Macky Macaspac)

Muling nanawagan ang Karapatan, Hustisya at mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa pag-aresto ng puganteng si Jovito Palparan at mabigyang hustisya sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Itinaon ang aktibidad na tinaguriang Run for your Life (This is not a fun run) sa anibersaryo ng pagkawal ng dalawang biktima. Pinangunahan ito ng mga ina nina Karen at Sherlyn ang martsa, kasama ang grupong pangkarapatang pantao, mga lider-estudyante ng UP at si Kabataan Rep. Raymond Palatino. (Macky Macaspac)

Runner na sumusuporta sa hustisya para kina Karen at Sherlyn. (Macky Macaspac)

Runner na sumusuporta sa hustisya para kina Karen at Sherlyn. (Macky Macaspac)

Hindi pa tuluyang gumagaling sa kanyang karamdaman ang isang aktibistang nakatungkod, pero di ito naging hadlang sa kanyang paglahok sa takbuhan. (Macky Macaspac)

Hindi pa tuluyang gumagaling sa kanyang karamdaman ang isang aktibistang nakatungkod, pero di ito naging hadlang sa kanyang paglahok sa takbuhan. (Macky Macaspac)

Sina Concepcion Empeno (kaliwa) at Erlinda Cadapan, mga ina nina Karen at Sherlyn. (Macky Macaspac)

Sina Concepcion Empeno (kaliwa) at Erlinda Cadapan, mga ina nina Karen at Sherlyn. (Macky Macaspac)

Simbolikong inaresto nina Connie Empeno at Linda Cadapan si Jovito Palparan, ang dating heneral ng militar na itinuturong dumukot sa dalawang aktibista noong Hunyo 26, 2006. (Macky Macaspac)

Simbolikong inaresto nina Connie Empeno at Linda Cadapan si Jovito Palparan, ang dating heneral ng militar na itinuturong dumukot sa dalawang aktibista noong Hunyo 26, 2006. (Macky Macaspac)

Patuloy din ang panawagan ng mga grupo sa gobyernong gumawa ng hakbang para maaresto ang pangunahing akusadong si Palparan. (Macky Macaspac)

Patuloy din ang panawagan ng mga grupo sa gobyernong gumawa ng hakbang para maaresto ang pangunahing akusadong si Palparan. (Macky Macaspac)

Kalaboso si "Palparan". (Macky Macaspac)

Kalaboso si “Palparan”. (Macky Macaspac)

 

Hustisya ang hangad nila. (Macky Macaspac)

Hustisya ang hangad nila. (Macky Macaspac)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: