Giyerang agresyon ng US, tinutulan ng mga OFW

Pag-alis ng mga tropang Kano sa mga bansang ginigiyera ng Estados Unidos, hiling ng mga OFW at kanilang kaanak at tagasuporta. Umano’y nilalagay nito sa panganib ang buhay ng mga OFW sa Syria at iba pang bansang pinanghihimasukan ng US. (Darius Galang)

Sa ika-17 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Flor Contemplacion, nanawagan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na itigil ang mga giyera ng agresyon ng Estados Unidos, lalo na sa Gitnang Silangan kung saan matatagpuan ang libu-libong migranteng Pilipino.

Noong Marso 17, nagtungo sa Mendiola ang grupong Migrante International, kasama ang kababaihang OFW na nanggaling sa bansang Syria, kaanak ng mga OFW, at iba pang mga sektor mga para ipanawagan ang pag-alis ng mga tropang Kano sa Syria at iba pang bansa.

“Kailangang magkaisa ang mga migrante at pamilya laban sa panghihimasok ng gobyernong US saanman sa mundo,” pahayag ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International. “Kung hindi abuso, karahasan at giyera ang dulot nito, laging nanganganib ang buhay ng ating mga migranteng Pilipino.”

Isang OFW survivor mula sa Syria (Darius Galang)

Nananatiling nasa panganib ang libu-libong Pilipino sa Gitnang Silangan dahil sa mga sigalot. Ibinahagi ng Migrante ang pagkasawi ni Meran Prieira Montezor, isang 23 anyos na tubong Camarines Sur, sa Homs, Syria sa gitna ng isang ambus. Kasama ng Pilipino ang anak ng kanyang amo nang paulanan ng bala ang kotseng sinasakyan nila ng mga hindi kilalang tao.

Panawagan ni Martinez ang mas aktibo at mas sistematikong pagpapabalik sa bansa ng mga OFW. Hinamon din niya si Pangulong Aquino na pumosisyon kontra sa interbensiyon ng puwersang US-NATO sa Syria.

Sa huli, iginiit ng Migrante ang pagtigil sa Labor Export Policy at inudyok ang administrasyon na lumikha ng mga trabaho sa loob ng bansa. “Habang may kawalan ng lupa, walang trabaho sa loob ng bansa, at patuloy na tumataas ang mga presyo ng bilihin, puwersadong umalis ang mga Pilipino patungo sa mga bansa kahit pa umiiral ang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Patuloy na nailalagay ang mga OFW sa napipintong panganib. Isa itong siklo na hindi titigil hangga’t walang isinasagawang pundamental na repormang panlipunan,” pagtatapos ni Martinez.

 

Pangulong Aquino, kinondena sa di pagposisyon sa giyerang agresyon ng US-NATO sa Syria, at sa pagpapatuloy ng labor export policy na naglalagay ng mga OFW sa panganib. (Darius Galang)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: