11 taong pakikibaka ng mga manggagawa ng toyota!

  1. 11 TAONG KAWALANG KATARUNGAN, 11 TAONG PAKIKIBAKA

    March 16,2001- pinakamalungkot na araw para sa mga manggagawa ng Toyota. Habang nagdiriwang pa ang mamamayan sa kapapalit na liderato ng gobyerno, si Gloria Arroyo, ay nagpakita agad ng kulay sa mga mamamayan. Tinanggalan ng kabuhayan ang 233 manggagawang lider at opisyales ng unyon. Ito ang tugon ng Toyota sa kagustuhan ng mga manggagawang magtayo ng isang tunay na unyon, na magsusulong sa kanyang interes at kagalingan.

    Nakita ng mga manggagawa ang kawastuhan ng kanilang ipinaglalaban, kaya noong Marso 28,2001, matagumpay na naitayo ang welga at naitirik ito ng halos 10 araw sa 2 planta , isa sa Sta.Rosa at ang dating planta sa Bicutan . Kauna-unahang welga na bumasag sa katahimikan ng mga manggagawa sa panahon ng rehimeng Arroyo. Ipinakita ng welgang ito na hindi kikiling sa mga manggagawa ang rehimeng Arroyo, taliwas sa kanyang ipinangakong pagbabago ng nakawin niya ang kapangyarihan na ipinagtagumpay ng mamamayan noong EDSA 2. Binaraso ng pamilyang Toyoda, may-ari ng Toyota ang gobyernong Arroyo sa pamamagitan ng pananakot na iaatras ang 7(pito) pang Japanese firm kung hindi aayusin ang “labor dispute”. Sa ganitong pambablack-mail ng kapitalistang Toyota, agad na nagbaba si Patricia Sto Tomas, dating DOLE secretary ng Assumption of Jurisdiction na nagbibigay ng kapangyarihan sa AFP/PNP na buwagin ang welga sa pamamagitan ng dahas. Mayroon ding ilang nasugatan sa pagbuwag ng welga. Lumipas ang ilang araw, nagpapogi si dating DTI Secretary Mar Roxas na wala na “raw” labor dispute sa Toyota, subalit malayo at lihis    ang kanyang mga sinabi sa aktwal na naganap.

    Makalipas ang 9 na taon, muli na namang tinanggal ng Toyota ang 4 na lider at opisyales ng unyong TMPCWA. Kabilang dito ang bise-presidente ng unyon na si Wenecito Urgel.

    Makalipas ang Labing isang taon, hanggang ngayon ay wala pa ring kalinawan na nagmumula sa kapitalistang Toyota na solusyunan ang mahigit isang dekadang kawalang katarungan. Marami na ang nasirang pamilya, napalayas sa mga tahanan dahil sa hindi nakabayad sa buwanang hulog, at ang pinakamasakit ay namatayan ng anak at kapamilya dahil sa kawalan ng pera para sa pampapagamot sa hospital. Napakalaki na ang naging sakripisyo ng mga iligal na tinanggal na tanging hiling ay katarungan.

    Sa ngayon nagdiriwang ang Toyota sa kanyang “10 years consecutive triple crown” o ang pagiging no.1 sa industriya ng sasakyan sa loob ng 10 taon. Ibig sabihin, sa laki ng kinikita ng kumpanya, paano niya naatim na isawalang bahala ang kalagayan ng mga manggagawa, partikular ang iligal na tinanggal. Nagagawa niyang magsaya samantalang siya ang pangunahing responsable upang bigyan ng katarungan ang dekada ng paghihirap ng mga manggagawa. Habang Papalayo ang agwat sa pagitan ng manggagawa at kapitalista, papaunlad naman ang natatamo ng kapitalistang Toyota. At sa kabilang banda ay ang papahirap na kalagayan  ng mga manggagawang iligal na tinanggal.

    Sa kapitalistang Toyota, hindi pa  nasapat ang 11 taong paghihirap ng mga manggagawa. At patuloy ito sa hindi paggalang sa inilabas na mga rekomendasyon ng International Labor Organization, kasabay ang panawagan ng international communities upang solusyunan na ang laban ng TMPCWA  sa 11 taong  kawalang katarungan.

    Sa isang sibilisasyong makatao at makatarungan, may Corporate Responsibility na sinasabi ang bawat kapitalista. Kung gayon, may responsibilidad ang Toyota sa lipunan, lalong-lalo na sa kanyang mga manggagawa.

    Kaya ito’y hamon sa isang banda, na ang ipinagmamalaki ng Toyota na Respect for People ay kanyang seryosong ipatupad.

     

    PAGPUPUGAY SA 11 TAONG PAKIKIBAKA NG MGA MANGGAGAWA NG TOYOTA!

    KATARUNGAN SA 233+4 MANGGAGAWANG ILIGAL NA TINANGGAL NG TOYOTA!

    KATARUNGAN AT HUSTISYANG PANLIPUNAN PARA SA MANGGAGAWANG ILIGAL NA TINANGGAL NG TOYOTA!

     

    TOYOTA MOTOR PHILIPPINES CORPORATION WORKERS ASSOCIATION

    Ika- 16, ng Marso 2012

Tags:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: