Sa Marso 15, Lumahok sa Protestang Bayan Laban sa Overpricing!

Press Statement
12 March 2012

Kung hindi tayo maggigiit, hindi mapapababa ang presyo ng langis.

Galit na tayong mga manggagawa at mamamayan dahil sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Alam natin ang epekto nito: ang malaking bawas sa ating sahod at kita sa kalagayang maliit ang ating sahod, kontraktwal ang ating trabaho, at marami ang walang trabaho.

Sa Marso 15, ipakita natin ang ating galit. Ipakita natin ang galit sa kartel ng langis na tuluy-tuloy na nagnanakaw sa atin para magpalobo ng supertubo. Ipakita natin ang galit kay Noynoy na aktibong nakikipagsabwatan sa kartel ng langis sa pagpapakainutil, habang nabubundat sa kita sa VAT.

Sa Marso 15, labanan natin ang overpricing sa langis! Isigaw natin: Big-time rollback sa presyo ng langis, ipatupad – ngayon na! VAT sa langis, tanggalin! Ibasura ang Oil Deregulation Law! Isabansa ang industriya ng langis!

Lumahok tayo sa protesta sa buong bansa. Magkakaroon ng iba’t ibang porma ng pagkilos sa Negros, Cebu, Cagayan de Oro, Panay, Cordillera, Davao at mga probinsya sa Mindanao at Southern Tagalog. Bahagi nito ang kakatapos na matagumpay na welgang pantransportasyon na inilunsad sa Bicol.

Lumahok tayo sa mga sentro ng protesta sa buong Metro Manila. Magkakaroon nito sa Monumento, Stop and Shop, Litex, Batoda, Philcoa, Cubao, Marikina Sports Complex, Elliptical Road, Guadalupe, E. Rodriguez cor. Araneta, Frisco-Del Monte, Novaliches, San Joaquin sa Pasig, at maraming iba pa.

Tinatawagan namin ang mga manggagawa at kawani ng gobyerno na maglunsad ng mga lunchbreak protests at sumanib sa mga sentro ng protesta pagkatapos ng trabaho. Tinatawagan namin ang mga maralita na magmartsa sa loob ng mga komunidad at tumungo sa mga sentro ng protesta.

Tinatawagan namin ang mga tsuper na maglunsad ng mga caravan at magprotesta sa kani-kanilang terminal. Bihisan natin ng mga panawagan ang ating mga dyip at sasakyan.

Tinatawagan namin ang publiko na lumahok sa iba’t ibang paraan sa laban. Pumirma ng mga petisyon. Lumahok sa pag-iingay sa mga noise barrage. Bumusina sa tapat ng mga sentro ng protesta. Mag-like at mag-share sa Facebook ng mga panawagan. Sumama sa mga protesta.

Dahil nagmamatigas si Noynoy sa ating mga panawagan, maghanda tayo ng mas malalaking protesta sa mga darating na linggo at buwan. Hindi titigil ang kartel ng langis kasabwat si Noynoy sa pagnanakaw sa atin. Kaya hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nakakamit ang ating mga ipinaglalaban.

Lumahok sa Protestang Bayan Laban sa Overpricing sa Marso 15!

Reference: Elmer “Bong” Labog, KMU chairperson, 0908-1636597

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: